8378 Album, dan 2264 Artis ada di database kami. Dan terus bertambah

Kaya Ko Ang Pagbabago

yeng constantino

Ito na ang simula ng pagbabago
Mula sa pagkadapa ako’y babangon
Isusulong ko’y adhikaing umunlad at makatulong
Para sa pamilya at sa kapwa

Lilinangin sa mga palad ang bagong pag-asa
Pasan ko sa balikat ang mga munting pangarap
At ang bawat hakbang ay papunta sa tagumpay
Ako ang papanday ng aking buhay

Dahil kaya koooo
Pagyamanin ang talino
(Kaya ko, kaya ko)
Sa Kapwa ay tumulong
(Kaya ko, kaya ko)
Lumingon ka sa paligid
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating abutin
Kaya natin ‘to
Kaya ko, kaya ko woo ooh ooh [2x]

[Quest:]
Alamin ang mga aral, pagyamanin ang talino
Para sa minimithing, layuning masayang pamilya
Malakas na pangagatawan
Mataas na antas ng edukasyon
Ng may maayos na pamumuhay
Nasa akin ang pagbabago

Kaya ko
Lumipad tulad ng lawin
(Kaya ko, kaya ko)
Mahalin ang kalikasan
(Kaya ko, kaya ko)
Ipakita ang galing ng aking lahi
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating makamit
Kaya natin ‘to
(yeah)

Kaya kong lampasan ang kahit anong pagsubok
Kasama ang programang sa ami’y nakatutok
Ang tibok ng puso’y malakas, may pag-asa
Maniwalang makaahon ang pamilya
Kaya kong abutin aking mga pangarap
Sa biyayang binahagi sa mahirap
Ang buhay ay nahanap, kayang umasenso
Kung masipag ka at porsigido
Dagdagan ng tiyaga, ako ang mag-uukit ng mga mithiin
Buhatin sa mga bisig ang pangarap,
Ambisyong makaahon at ang pamilya makabangon
Ng mabuhay ng maayos
Pagyamanin, tatalunin ang kahirapan
Talino at lakas, sandatang kong kailangan
‘Yan ang puhunan sa kaunlarang makatawid
Alam kong kaya ko sa biyaya mong hatid

Pagyamanin ang talino
(Kaya ko, kaya ko)
Sa Kapwa ay tumulong
(Kaya ko, kaya ko)
Lumingon ka sa paligid
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating abutin
Kaya natin ‘to

Lumipad tulad ng lawin
(Kaya ko, kaya ko)
Mahalin ang kalikasan
(Kaya ko, kaya ko)
Ipakita ang galing ng aking lahi
(Kaya ko, kaya ko)
Gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran
Lahat ng ito ay kaya nating makamit
Kaya natin ‘to

Kaya ko, kaya ko woo ooh ooh